Umabot na sa P41.8-M na halaga ng humanitarian assistance ang naipaabot na sa mga biktima ng bagyong Goring.
Ayon sa Department of Social Welfare and Development (DSWD), katuwang ang non-government organizations ay hinatiran ng tulong ang mga apektadong residente sa Region 1, 2, at Cordillera.
Samantala, aabot naman sa P1.88-B ang halaga ng available relief resources, kabilang ang P1.74-B na stockpiles at P140-M quick response funds.
Sa datos ng National Disaster Risk Reduction and Management Council, nasa halos 8,000 katao ang nasalanta ng bagyong Goring, karamihan ay nasa Cagayan Valley. –sa ulat ni Harley Valbuena, DZME News