dzme1530.ph

Gun owners, pinaalalahanang maging responsible sa paggamit ng armas

Pinaalalahanan ni Senador Christopher ‘Bong’ Go ang gun owners na maging responsible at gamitin lamang ang kanilanga armas sa tamang pagkakataon at pangangailangan.

Ginawa ito ni Go bilang reaksyon makaraang kasahan ng baril ng isang dating pulis ang isang siklista na sa kalsada.

Ipinaalala ng senador na lahat ng tao ay may pantay-pantay na karapatan sa kalsada at sa paggamit ng kalye bilang mga taxpayers.

Iginiit ng mambabatas na ang dating pulis na sangkot sa insidente ay dapat pa ngang nagsilbing halimbawa ng pagiging responsible gun owner dahil ilang taon din itong naging pulis at alam niya dapat ang tama at maling gawain.

Binigyang-diin ni Go na hindi dapat ginagamit ang baril sa pananakot lalong-lalo na sa mga kababayan nating walang laban.

Hindi anya sa mga inosente bagkus sa mga kriminal dapat ginagamit ang mga baril upang hindi magdulot ng kapahamakan sa mga ordinaryong mamamayan na gusto lamang ng tahimik na buhay. –sa ulat ni Dang Garcia, DZME News

About The Author