Hindi dapat maging dahilan ang kawalan ng National Government funds upang mahadlangan ang access ng kabataan sa mga oportunidad.
Ito ang binigyang-diin ni Senador Francis Tolentino bilang reaksyon sa pahayag ni Finance Secretary Benjamin Diokno na hindi sustainable ang Free College Education Law.
Ipinaalala ni Tolentino na ang libreng access sa education ay basic human right para sa lahat ng mga Pilipino.
Kaya naman tutol ang mambabatas sa pahayag ni Diokno na ibasura na ang Republic Act 10931 o ang Free College Education Law.
Iginiit ni Tolentino na may probisyon sa konstitusyon na nagsasaad na dapat mapanatili ang free access to education.
Hindi anya dapat maging dahilan ang kakulangan sa salapi ng pamahalaang nasyonal upang hindi mapagbigyan ng pagkakataong mag-aral ang kabataan. –sa ulat ni Dang Garcia, DZME News