Inaresto ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC) at NAIA PDEA-IADITG ang isang babaeng pasahero sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) matapos makuhanan ng halos 3.5 kgs na cocaine sa kanyang bagahe mula Addis Ababa.
Kinilala ang suspek na si Zenaida Losloso Esperanza, 49 years old, residente ng Venus St. Jael Subdivision, Ilayang Iyam, Lucena City.
Sa initial report ni NAIA PDEA-IADITG Gerald Javier, dumating ang pasahero Huwebes ng gabi sakay ng Ethiopian Airlines Flight ET-644 na lumapag sa NAIA Terminal 3.
Nadiskubre ng BOC ang iligal na droga na may bigat na 3,454 grams at may street value na aabot sa P18,306,200.
Naiturn-over na ng customs sa NAIA PDEA-IADITG para sa karagdagang imbestigasyon habang nahaharap naman ang suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. –sa ulat ni Tony Gildo, DZME News