Mas maigting na kampanya laban sa iligal na droga ang ikinakasa ng Philippine Ports Authority (PPA).
Partikilar sa mga pantalan kung saan mahigpit ang pagpapatupad ng seguridad upang hindi makalusot ang mga nagtatangkang magpuslit ng iligal na droga.
Ayon kay PPA General Manager Jay Santiago, patuloy ang pagpapalakas ng ahensya sa pangkabuuang pagkilos ng pamahalaan laban sa paglaganap ng iligal na droga.
Nakikipag-ugnayan rin ang PPA sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) para makasuhan ang mga indibidwal na mahuhuling nagpupuslit ng mga ito.
Sinisiguro ng PPA na regular na naisasagawa ang surprise drug testing sa mga empleyado nito upang mapanatiling drug-free ang kanilang hanay.
Nasa 70% completion rate na rin ang mga sumalang sa K9 Academy na malaking tulong sa pagpapa-igting ng seguridad sa pantalan sa pamamagitan ng training sa mga nagbabantay sa pantalan. –sa ulat ni Felix Laban, DZME News