Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang oath taking ng mga bagong miyembro ng Partido Federal ng Pilipinas (PFP).
Ito ay sa ginanap na seremonya sa Heroes Hall sa Malakanyang ngayong Huwebes ng umaga.
Bukod sa Pangulo, dumalo rin sina Executive Sec. Lucas Bersamin, Special Assistant to the President Antonio Lagdameo Jr., PFP National President at South Cotabato Gov. Reynaldo Tamayo Jr., at Presidential Son at Ilocos Norte Rep. Sandro Marcos na kabilang sa mga nanumpa.
Sa kanyang talumpati, inihayag ni Gov. Tamayo na mula sa “grassroots expansion”, ngayon ay panahon na upang kanilang tutukan ang expansion sa electoral structure o ang pagpasok sa partido ng mas marami pang halal na opisyal.
Matatandaang si Marcos ang nagsilbing standard-bearer ng partido noong 2022 National Elections.
Ang PFP ay nabigyan ng accreditation ng Commission on Elections noong 2018. –sa ulat ni Harley Valbuena, DZME News