dzme1530.ph

Produksyon ng digital Phil-IDs, ia-atas na sa DICT

Ia-atas na sa Department of Information and Communications Technology (DICT) ang produksyon ng digital national IDs.

Ayon sa National Economic and Development Authority, nagkasundo na ang DICT at Philippine Statistics Authority (PSA) para sa paglilipat ng trabaho sa pag-iissue ng digital Phil-IDs.

Sinabi ni NEDA Sec. Arsenio Balisacan na layon nilang pabilisin ang paglalabas ng digital IDs, at umaasa itong magkakaroon na nito ang lahat ng Pilipino sa pagtatapos ng taon.

Gayunman, nilinaw ng NEDA na ang PSA pa rin ang mamamahala sa produksyon at distribusyon ng physical national IDs.

Iginiit din nito na mahalagang magkaroon ng national IDs ang publiko upang makatipid sa mga transaksyon sa gobyerno at maging sa pribadong sektor, at makakatulong din ito sa pamamahagi ng ayuda sa mahihirap.

Hanggang noong Mayo 2023 ay umabot na sa 65-M na physical at digital phil-ids ang nailabas na ng PSA. –sa ulat ni Harley Valbuena, DZME News

About The Author