dzme1530.ph

Salt Industry sa bansa walang maayos na pamamahala

Dismayado ang ilang senador sa natuklasang walang maayos na pamamahala sa salt industry sa bansa dahilan ng unti-unting pagbagsak nito.

Sa pagdinig ng Senate Committee on Agriculture, Food and Agrarian Reform sa isyu ng salt supply at importation sa bansa, lumitaw na walang malinaw na ahensya ng gobyerno na direktang namamahala sa industriya ng asin makaraang itanggi ng Department of Agriculture (DA) na saklaw nila ito.

Katunayan, sinabi ng DA na simula lamang noong isang taon sila nagkaroon ng kapangyarihan upang pamunuan ang mga programa para sa salt industry.

Pinuna naman ni Senador Cynthia Villar kung bakit ang Food and Drugs Administration ang nagbibigay ng import permit para sa kailangang asin ng Pilipinas.

Nagtataka rin si Villar kung bakit naipasa ang batas na nagrerequire na lahat ng asin ay dapat iodized gayung may mga industriya na nangangailangan ng ordinaryong asin lamang.

Sinabi ng senador na pinatay ng batas ang salt industry dahil walang kapasidad ang mga salt farmers na magproseso ng iodized salt.

 

About The Author