176 na mga bagong kaso ng COVID-19 ang naitala ng Department Of Health (DOH), dahilan para lumobo na sa 4,070,675 ang Nationwide caseload.
Sa pinakahuling datos mula sa DOH, bumaba sa 11,342 ang Active infections kahapon mula sa 11,844 noong Lunes.
Ang National Capital Region pa rin ang nakapagtala ng pinakamaraming kaso sa nakalipas na dalawang linggo na mayroong 1,694.
Sumunod ang CALABARZON na may 855 cases; Central Luzon, 431; Cagayan Valley, 395; at Western Visayas, 285.
Samantala, umakyat sa 3,993,715 ang Total recoveries habang ang Death toll ay pumalo na sa 65,618.
19.4 percent naman ang Bed occupancy rate sa bansa, kung saan 5,227 ang okupado habang 21,752 ang bakante.