Pinarerebyu ni Senator Cynthia Villar ang Rice Tariffication Law, isang taon bago ito matapos.
Sa Kapihan sa Manila Hotel, sinabi ni Villar, hanggang limang taon lamang ang naturang batas at kailangan sumailalim muli sa pag-aaral ng mga mambabatas kung dapat pa bang ipagpatuloy.
Nais tanungin ni Villar ang Department of Agriculture kung naipatupad ba ng maayos ang Rice Tariffication Law sa kabila ng sunod-sunod na pagtaas ng presyo ng bigas sa mga pamilihan.
Ang Senadora ang Principal Sponsor ng Rice Tariffication Law sa Senado at ito rin ang nakikipag laban para magkaroon ng mas mataas na kita at ani ang mga magsasaka.
Posible rin aniya na nagkakaroon ng artificial price increase sa bigas na gawa ng mga negosyante tulad ng mga traders at millers.
Nagtataka ito kung bakit tumataas ang presyo ng bigas gayong wala namang shortage. –sa ulat ni Felix Laban, DZME News