Nais ni Senator Cynthia Villar na ibalik ang Public Estate Authority na mamamahala sa pagpapaunlad ng mga lupa ng gobyerno.
Sa Kapihan sa Manila Hotel, sinabi ni Villar, na mas maganda ang konsepto ng Public Estate Authority (PEA) kesa sa kasalukuyang Philippine Reclamation Authority (PRA).
Ang mandato aniya ng PEA ay paunlarin ang mga lupa na nasa ilalim ng pamahalaan upang makatulong sa taumbayan.
Hindi tulad ng konsepto ng PRA na tinatambakan ang mga ilog at dagat na posibleng naging sanhi ng mga pagbaha nitong mga nakaraang buwan.
Samantala, ibinunyag ng Senadora na umaabot sa 300,000 na mga mangingisda ang naapektuhan ng reclamation project sa Manila Bay.
Kinuwestiyon din ng mambabatas ang Department of Environment and Natural Resources kung ano ang kanilang giwanang proseso para bigyan ng permit ang 22 reclamation projects sa Manila Bay. –sa ulat ni Felix Laban, DZME News