Naghahanda na ang Armed Forces of the Philippines (AFP) sakaling ulitin ng Chinese vessel ang pagbobomba nito sa sasakyang pandagat ng Pilipinas.
Ito ang inihayag ni AFP chief of staff General Romeo Brawner.
Ganunpaman sinabi rin ni Brawner, na magtitimpi na ‘muna’ ang mga sundalo dahil mayroon namang water cannons ang Philippine vessel.
Pero sa halip na gamitin itong panlaban sa China ay mas mainam na i-utilize ito para sa emergency sakaling magkasunog ang barko.
Nakipag-ugnayan na rin si Brawner sa defense attache na counterpart ng bansa para himukin na itigil na ang mga coersive action sa resupply mission.
Iginiit din ni Brawner na humanitarian mission ang ginagawa nila dahil para ito sa mga sundalong nakaditena sa BRP Sierra Madre.
Hindi rin aniya masama na iayos o i-construct ang barko dahil isa itong commission ship na dapat rin isaayos. –sa ulat ni Jay de Castro, DZME News