dzme1530.ph

BOP deficit, bumaba sa $53-M noong Hulyo

Bumaba sa $53-M ang overall Balance of Payments (BOP) deficit noong Hulyo, matapos mas maraming dolyar ang lumabas sa bansa para ibayad ng pamahalaan sa foreign debt.

Ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), ang BOP shortfall noong July ay mas maliit kumpara sa $1.8-B gap na naitala sa kaparehong buwan ng nakaraang taon.

Mas mababa rin ito kumpara sa $606-M BOP deficit noong Hunyo.

Ito ang pinakamababang BOP deficit sa nakalipas na tatlong buwan o simula noong Abril kung kailan naitala ang $148-M gap. –sa panulat ni Lea Soriano

About The Author