Nabigo sa unang Lunar mission sa loob ng ilang dekada ang Russia matapos bumagsak sa ibabaw ng buwan ang robotic spacecraft na Luna 25.
Ayon sa Russian Space Agency na Roscosmos, hindi nila makontak ang Luna25 matapos ang insidente.
Hindi rin anila malinaw ang pinaka sanhi ng pagbagsak ng nasabing spacecraft.
Sa ngayon, bumuo na ang Roscosmos ng komisyon na siyang mangangasiwa sa imbestigasyon. –sa panulat ni Airiam Sancho