dzme1530.ph

Emergency cash transfer ng DSWD para sa mga nasalanta ng bagyong Egay, itinuloy ngayong araw sa kabila ng holiday

Ipinagpatuloy ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang pamamahagi ng ayuda sa ilalim ng Emergency Cash Transfer Program para sa mga nasalanta ng super typhoon Egay.

Ito ay sa kabila ng special non-working day para sa Ninoy Aquino Day.

Ngayong araw ng Lunes, mahigit 200 apektadong residente sa Aparri, Cagayan ang tumanggap ng cash aid mula sa DSWD Region 2 field office.

Samantala, sinimulan na rin ang distribusyon ng cash aid sa mga apektadong pamilya sa Bulacan at Pampanga.

Ang emergency cash transfer ay layuning tulungan ang mga residente na makabangon mula sa epekto ng bagyo, at maaari rin nila itong gamitin sa pagkukumpuni ng mga nasira nilang bahay. –sa ulat ni Harley Valbuena, DZME News

About The Author