Kinontra ni Senador Chiz Escudero ang mungkahing buwagin ang National Food Authority (NFA).
Sa halip, sinabi ni Escudero na ang dapat ay palakasin pa ang ahensya.
Ayon kay Escudero, kailangang bigyan pa ng dagdag na kapangyarihan at kapasidad ang NFA upang magampanan ang tungkulin nito.
Sa ngayon, napakaliit anya ng budget ng NFA na umaabot lamang sa P8.5-B kaya hindi makakabili ng sapat na palay sa lokal na magsasaka sa mataas na presyo upang ibenta sa consumers sa mababang halaga.
Ang panawagan anya ng grupong Samahang Industriya ng Agrikultura (SINAG) ay indikasyon na sa pananaw nila ay inutil ang NFA at umaasa na lang sa pag-import ng bigas.
Sa kabilang dako, sinabi ni Escudero na dapat na mag invest ang pamahalaan para mapataas ang produksyon ng bigas at iba pang agricultural products upang matiyak ang sapat na pagkain para sa mamamayan. –sa ulat ni Dang Garcia, DZME News