dzme1530.ph

Sec. Diokno, naniniwalang biro lamang ang pahayag ni Sen. Bato kaugnay sa pag-aanak ng marami para makabayad sa utang ng bansa

Naniniwala si Finance Sec. Benjamin Diokno na nagbibiro lamang si Sen. Ronald “Bato” dela Rosa, nang sabihin nitong magandang mag-anak ng marami ang mga Pilipino para mas dumami rin ang maghahati-hati sa magbabayad ng utang ng Pilipinas.

Sinabi ni Diokno na wala namang problema sa pag-aanak ng marami kung kaya itong buhayin at pag-aralin ng magulang.

Gayunman, kinakailangan pa rin umanong i-assess ang kanilang resources bago palakihin ang kanilang pamilya.

Samantala, tiniyak din ng kalihim na nakatatanggap ng pantay na benepisyo mula sa gobyerno ang mayayaman at ang mahihirap, kahit na mas malaki ang binabayarang buwis ng mga nasa upper income class.

Matatandaang una nang siniguro ni Diokno na manageable at hindi pa nakababahala ang sitwasyon sa utang ng Pilipinas na pumalo na sa record-high P14.15-T sa pagtatapos ng Hunyo. –sa ulat ni Harley Valbuena, DZME News

About The Author