dzme1530.ph

Pilipinas, hindi muna ibinahagi ang petsa ng susunod na resupply mission sa Ayungin Shoal 

Hindi muna ibinahagi ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang petsa ng susunod na rotation and resupply (RoRe) mission sa Ayungin Shoal.  

Ito ay sa harap ng isyu sa water cannon incident o pagbomba ng tubig ng Chinese Coast Guard sa resupply mission ng Pilipinas sa BRP Sierra Madre dalawang linggo na ang nakakaraan.  

Sa news forum ng Presidential Communications Office ngayong Sabado, kinumpirma ni AFP Spokesman Col. Medel Aguilar na nakatakda nang isagawa ang susunod na RoRe mission.  

Kasabay nito’y tiniyak ni Aguilar ang pagpapanatili ng presensya ng kanilang pwersa sa Ayungin Shoal, bilang pagpapakita ng pagtindig laban sa anumang banta sa Rule of Law.  

Sa kabila nito, suportado pa rin umano ng Pilipinas ang mapayapang pag-resolba sa mga sigalot. –sa ulat ni Harley Valbuena, DZME News 

About The Author