dzme1530.ph

AFP, pinayuhan ang China na huwag makialam sa susunod na resupply mission sa Ayungin Shoal 

Pinayuhan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang China na huwag pakialaman ang susunod na resupply mission ng Pilipinas sa BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal.  

Sa news forum ng Presidential Communications Office ngayong Sabado, inihayag ni AFP Spokesman Col. Medel Aguilar na hindi dapat manghimasok ang Chinese Coast Guard sa kanilang rotation and resupply (RoRe) mission.  

Kung hindi umano susunod ang China sa kanilang panawagan, sinabi ni Aguilar na titingnan nila kung ano ang mangyayari.  

Kinumpirma naman ng AFP ang pagsasagawa ng susunod na RoRe mission kasabay ng pagpapanatili ng presensya sa Ayungin Shoal.  

Nanawagan ang militar sa lahat ng relevant parties na sumunod sa kanilang mga obligasyon sa ilalim ng International Law, at igalang ang soberanya, sovereign rights, at jurisdiction ng Pilipinas sa kanilang sa maritime zones. —sa ulat ni Harley Valbuena, DZME News 

About The Author