Nakatakdang palitan ang pangalan ng Light Rail Transit 1 (LRT 1) Roosevelt Station ng FPJ Station o sunod sa pangalan ng ama ni Sen. Grace Poe na si Fernando Poe Jr., alinsunod sa Republic Act 11608.
Pangungunahan ni Sen. Poe at Sen. Lito Lapid ang pagdaraos ng seremonya ng pagpapalit ng pangalan ng istasyon ng tren bukas, Agosto a-20.
Isasapubliko rin ang bagong marker ng LRT station, dala ang pangalan ng nasabing national artist na si FPJ na 84 anyos na bukas, gayundin ang pop-up exhibit ng King of Philippine Movies.
Umaasa naman ang senadora na palaging ma-aalala ng publiko si FPJ tuwing sasakay ng tren dahil noong nabubuhay pa aniya ang kaniyang ama ay palaging nasa puso nito ang pagseserbisyo-publiko. —sa panulat ni Airiam Sancho