Inanunsyo ni Bureau of Corrections (BuCor) Director General Gregorio Catapang Jr. na mayroon nang inisyal na napiling 20 anggang 30 persons deprived of liberty (PDLs) para manatili sa itatayong barrio kung saan maari nilang makasama ang kanilang pamilya habang pinagsisilbihan ang kanilang sentensya.
Sinabi ni Catapang na ang mga PDL na mayroon na lamang tatlo hanggang limang taong natitira sa kanilang sentensya ay papayagang manatili sa Bario Libertad.
Target itong itayo ng BuCor sa paanan ng bundok sa Barangay Iwahig sa Puerto Princesa sa Palawan kung saan maaring pagyamanin ng mga PDL ang lugar sa pamamagitan ng pagtatanim ng kawayan o niyog.
Naniniwala ang BuCor chief na maari itong maging “game changer” at magsilbing “model” para sa buong mundo.