dzme1530.ph

Supply ng isda, kakapusin sa 4th quarter

Inaasahan ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) na aabot sa 57,830 metric tons ang fish supply deficit sa fourth quarter ng taon.

Batay sa supply and demand outlook, sinabi ng BFAR na mayroong estimated supply ng isda na 769,446 metric tons simula sa Oktubre hanggang Disyembre, na kulang para mapunan ang demand na 827,285 metric tons.

Ang deficit ay katumbas ng anim na araw na supply ng isda.

Una nang inaprubahan ng Department of Agriculture ang plano na mag-import ng 35,000 metric tons ng isda para sa huling quarter ng 2023.

Kabilang sa mga aangkatin ay galunggong, matang baka, mackerel, bonito, at moon fish o bilong-bilong. –sa panulat ni Lea Soriano

About The Author