Iginiit ni Senate Majority Leader Joel Villanueva na dapat paigtingin pa ng gobyerno ang mga hakbang para sa reskilling at upskilling ng mga Pilipino.
Ito anya ay upang magkaroon ng malawak na employment opportunities ang mamamayan.
Una nang inamin ng National Economic and Development Authority (NEDA) na malaki ang “mismatch” sa pagitan ng iniaalok ng mga educational institutions at sa employment opportunities lalong lalo na sa sektor na kabilang sa digital technology at green economy.
Iginiit ni Villanueva na ito ang dahilan kaya kinakailangan nang reskilling at upskilling sa hanay ng mga manggagawa upang maging competitive at resilient ang mga manggagawa nang sa gayun ay magkaroon ng mas maganda, matatag at dekalidad na employment sa bansa.
Tiniyak ni Villanueva na ang mga ipapanukalang interventions para sa upskilling at reskilling ng mga Pilipino ay daraan sa mabusising pagaaral ng Senado sa deliberasyon ng 2024 National Budget.
Aalamin dito ang partikular na pagsasanay o kurso sa mga programa, ang bilang ng beneficiaries at ang lawak ng programa na inaasahang makakatulong para maitaas sa 4.4% hanggang 4.7% ang employment rate sa susunod na taon. –sa ulat ni Dang Garcia, DZME News