dzme1530.ph

Australian PM Anthony Albanese, bibisita sa bansa sa Sept. 7-8 para sa pakikipagpulong kay PBBM

Bibisita sa Pilipinas sa susunod na buwan si Australian Prime Minister Anthony Albanese, para sa pakikipagpulong kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Ayon sa Presidential Communications Office, magkakaroon ng official visit si Albanese mula Setyembre a-7 hanggang a-8, 2023.

Ang pulong ng Pangulo at ng Australian leader ay inaasahang magpapatibay ng partnership at kooperasyon ng dalawang bansa sa mga pangunahing sektor tulad ng kalakalan, economic development, defense and security, at maritime affairs.

Ito rin ang magiging kauna-unahang pag-bisita sa bansa ng isang prime minister ng Australia mula noong 2003. –sa ulat ni Harley Valbuena, DZME News

About The Author