Pinangunahan ng Philippine Coast Guard (PCG) District Southern Tagalog ang pagbalangkas ng Provincial Oil Spill Contingency Plan (POSCOP) sa Sta. Clara, Batangas City.
Ayon kay PCG District Southern Tagalog Commander, CG Commodore Geronimo Tuvilla, layon nito na palakasin ang kahandaan at pagtugmain ang mga pagsisikap sa pamamahala ng oil spill response operations sa lalawigan.
Ang POSCOP ay sumasaklaw sa pagtugon, pagkontrol, paglalaman, at pagbawi ng mga discharge ng langis sa dami na maaaring makapinsala sa navigable na tubig o mga katabing baybayin.
Kasama sa mga bahagi nito ang risk assessment, instructional strategy, response organizational structure, operational procedures, equipment, at logistics. –sa ulat ni Felix Laban, DZME News