dzme1530.ph

Grupo ng Kristiyano, naghain ng reklamo laban kay Pura Luka Vega

Sinampahan ng reklamo ng grupo ng Hijos del Nazareno Central ang drag artist na si Amadeus Fernando Pagente o mas kilala bilang si Pura Luka Vega.

Paglabag sa ilang probisyon ng Cybercime Prevention Act of 2020 ang isinampa ng pamunuan ng Hijos del Nazareno sa tanggapan ng piskalya sa Maynila.

Ayon kay Val Samia, Presidente ng Hijos del Nazareno Central, tila hindi nirespeto ng drag artist ang pagkanta ng “Ama Namin”.

Bukod pa dito, kawalan din ng galang ang ginawa ni Vega sa pagsuot nito ng damit na kahalintulad ng Itim na Poong Nazareno.

Sinabi ni Samia, nagkasundo ang kanilang samahan na sampahan ng reklamo ang drag artist upang hindi na ito pamarisan ng iba.

Aniya, marami ang nakanuod ng ginawa ni Vega sa social media kung saan kaliwa’t kanang batikos ang inabot nito sa simbahan at ilang religious group.

Matatandaan na unang idineklarang Persona Non Grata ang drag artist sa Maynila, Bukidnon, Floridablanca, Pampanga, Toboso, Negros Occidental, General Santos City, Laguna at Cagayan de Oro. –sa ulat ni Felix Laban, DZME News

About The Author