Sa bagong pagsasaliksik na inilathala sa Journal of Nutrition Education and Behavior, natuklasan na ang panunuod ng mga bata ng cooking shows ay nakatutulong para kumain ng mga masustansiyang pagkain.
Ipinaliwanag ni Frans Folkvord, Lead Author ng pag-aaral at Assistant Prof. sa Tilburg University sa Netherlands na nangangahulugan ito na ang nasabing uri ng palabas ay isang pamamaraan para isulong ang positibong pagbabago sa pagpili ng mga bata ng kanilang pagkain.
Napatataas din ng panunuod ng cooking shows ang cooking skills ng mga bata upang mahikayat silang kumonsumo ng mga prutas at gulay hanggang sa pagtanda. –sa panulat ni Airiam Sancho