Nag-presenta ng credentials kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang ambassadors ng Germany at Iran sa Pilipinas.
Sa seremonya sa Malakanyang ngayong Huwebes ng umaga, humarap sa pangulo si Islamic Republic of Iran Ambassador to the Philippines Yousef Esmaeil Zadeh.
Tiniyak ni Zadeh na gagawin niya ang lahat upang mapagtibay ang pagkakaibigan at relasyon ng dalawang bansa.
Samantala, nag-presenta rin ng credentials si German Ambassador Andreas Michael Pfaffernoschke.
Nangako ang German envoy na sisikapin niyang palakasin ang relasyon ng Pilipinas at Germany sa kalakalan, investment, economic cooperation, climate change adaptation and mitigation, at pagtataguyod ng international order alinsunod sa United Nations Charter. –sa ulat ni Harley Valbuena, DZME News