Nanawagan ng pagtutulungan sa rehiyon si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. upang maitaguyod ang kapayapaan sa Korean Peninsula.
Sa pakikipagpulong sa Malakanyang kay Japan Komeito Party Chief Representative Natsuo Yamaguchi, nagpabatid ng pagkabahala ang Pangulo sa mga aktibidad ng North Korea, lalo’t ang Japan umano ay nasa “Line of Fire”.
Iginiit ng Pangulo na maituturing itong isang kritikal na isyu na dapat pagtulungan ng buong rehiyon upang maagapan ang tensyon.
Sinabi ni Marcos na kailangang gamitin ang lahat ng paraan sa kapayapaan.
Matatandaang una nang sinuportahan ng Pangulo ang panawagan sa pag-denuclearize ng North Korea. –sa ulat ni Harley Valbuena, DZME News