dzme1530.ph

PBBM, pinuri ang Japan dahil sa pagtataguyod ng free trade and shipping conduct sa South China Sea

Pinuri ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang Japan dahil sa pagtataguyod ng free trade and shipping conduct sa South China Sea.

Sa courtesy call sa Malakanyang ni Japan Komeito Party Chief Representative Natsuo Yamaguchi, inihayag ng Pangulo na nagbago na ang panahon at kung dati ay tungkol lamang sa kalakalan, negosyo, at investments ang mga binubuong kasunduan ng dalawa, ngayon ay naka-sentro na rin ito sa seguridad at depensa ng rehiyon.

Kaugnay dito, kinilala ng Pangulo ang kontribusyon ng Japan hindi lamang sa training at pagbibigay ng kagamitan kundi pati na sa nabuong agreements kaugnay ng pagtataguyod ng kapayapaan at malayang trade shipping sa South China Sea.

Sinabi naman ni Yamaguchi na layon nilang palakasin pa ang kooperasyon at relasyon ng dalawang bansa.

Matatandaang ang Pilipinas at Japan ay kapwa may sigalot sa teritoryo sa China.

Samantala, nagpabatid rin ng pagkabahala ang Pangulo sa mga aktibidad ng North Korea, lalo’t ang Japan umano ay nasa “Line of Fire”. –sa ulat ni Harley Valbuena, DZME News

About The Author