dzme1530.ph

PBBM, ipinatutugis ang rice hoarders sa harap ng napaulat na pagtaas ng presyo ng bigas sa mga pamilihan

Ipinag-utos ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang pagtugis sa mga nagho-hoard ng bigas sa harap ng napaulat na pagtaas ng presyo nito sa merkado.

Bukod dito, inatasan din ang Department of Agriculture at Department of Trade and Industry na i-monitor ang presyo ng bigas sa iba’t ibang pamilihan.

Sinabi ng Presidential Communications Office na maaaring may mga nananamantala sa lean months bago ang anihan o harvest season.

matatandaang iniulat ng d-a na may mga retailer ang nagbebenta ng pinaka-mababang variety ng bigas sa halagang 50 pesos per kilo.

nakikipag-ugnayan naman ang administrasyon sa pribadong sektor para matiyak ang sapat na suplay ng bigas sa mga pamilihan at maging sa kadiwa stores. –sa ulat ni Harley Valbuena, DZME News

About The Author