Naglaan ang administrasyong Marcos ng mahigit P100-B para sa libreng tertiary education ng kabataang Pilipino, sa ilalim ng proposed 2024 National Budget.
Ayon sa Department of Budget and Management (DBM), P105.6-B ang alokasyon para sa pondo ng state universities and colleges (SUCs) sa susunod ng taon.
P21.7-B ang direktang inilaan para sa universal access to quality tertiary education, at inaasahang nasa 3.1-M na mag-aaral ang makikinabang dito.
P26-B naman ang alokasyon para sa mga programa ng Commission on Higher Education, at P3.4-B para sa libreng technical-vocational education and training ng Technical Education and Skills Development Authority.
Samantala, P3.4-B din ang inilaan para sa infrastructure projects ng SUCs.
Ayon kay Budget Sec. Amenah Pangandaman, alinsunod sa utos ng Pangulo ay bubuhusan ng pondo ang human capital development tungo sa pagpapatatag ng ekonomiya. –sa ulat ni Harley Valbuena, DZME News