dzme1530.ph

PBBM, nagpaabot ng pagbati para sa pagdiriwang ng Kadayawan Festival sa Davao City

Nagpaabot ng pagbati si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa mga taga Davao City para sa pagdiriwang ng Kadayawan Festival.

Sa kanyang mensahe, pinuri ng Pangulo ang katangi-tanging biodiversity ng Davao City at ang magandang koneksyon ng mamamayan at ng kalikasan.

Kaugnay dito, hinikayat ni Marcos ang mga Davaoeño na gamitin ang kadayawan upang pagyamanin ang kanilang kultura at tradisyon, at pangalagaan ang environmental resources para sa kapakinabangan ng mas nakababatang henerasyon.

Sinabi rin ng chief executive na ang kapistahan ay nagsisilbi ring panawagan sa lahat sa pagtahak sa daan ng pagsulong, at pagyakap sa ugat ng kanilang pagkakakilanlan.

Ang Kadayawan Festival ay taunang ginugunita tuwing Agosto. –sa ulat ni Harley Valbuena, DZME News

Walang makuhang paglalarawan.

About The Author