Nagpatuloy ngayong araw ang briefing ng economic team kaugnay sa proposed 2024 National Budget sa Senado kung saan hinimok ng mga senador ang mga opisyal na magkaroon ng mga programa para matiyak na hindi palaging umaasa ang bansa sa importasyon.
Sinabi ni Senador Nancy Binay na sa ngayon ay tila mayroong undeclared policy kaugnay importasyon ng mga produktong agrikultura at common supplies.
Sinabi ni Binay na dapat maging malinaw ang policy direction na tangkilikin muna ang mga produktong Pinoy sa halip na mag-import.
Sinang-ayunan ito ni Senador Sonny Angara kasabay ng paghikayat sa gobyerno na ipaalam ang mga produktong planong i-procure in bulk para makapaghanda ang Filipino producers.
Iginiit pa ni Angara na dapat tulungan ng gobyerno ang mga local producers na maging competitive upang hindi mapag-iwanan ng ibang bansa.
Inirekomenda naman ni Sen. Cynthia Villar na maglagay probisyon sa budget sa susunod na taon na dapat unahin at i-encourage ang local purchases at hindi puro import. –sa ulat ni Dang Garcia, DZME News