dzme1530.ph

Psywar ng China kaugnay sa usapin sa West Philippine Sea, ‘di dapat patulan ng mga Pilipino

Naniniwala si Senate President Juan Miguel ‘Migz’ Zubiri na psywar o psychological warfare lang ang claim ng China na mayroon itong kasunduan sa gobyerno ng bansa kaugnay sa pagpaalis sa BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal sa West Philippine Sea (WPS).

Ang pahayag ni Zubiri ay tugon sa naging privilege speech ni Senador Jinggoy Estrada na nagdeklara na hindi ang kanyang amang si dating Pangulong Joseph Estrada ang nangakong aalisin ang barko.

Sinabi ni Zubiri na habang nagsasama sama ang mga Pilipino sa pagsuporta sa Philippine Air Force, Navy at Coast Guard ay gumagawa ng paraan ang China para tayo mismo ang mag-away-away.

Dahil dito nagpaalala ang senate leader na hindi dapat magpadala ang lahat sa psywar na ito ng China.

Maging si Senador Chiz Escudero ay nanawagan ng pagkakaisa sa gitna ng taktikang ito ng China.

Sinabi ni Escudero na hindi dapat ang mga Pilipino ang nag aaway dahil sa sinabi ng matuturing nating katunggali sa isyu kaugnay ng West Philippine Sea.

Dapat na rin aniyang tuldukan na ang isyu kung sino ang nangakong alisin ang BRP Sierra Madre dahil nagkaroon na ng deklarasyon si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na hindi ito aalisin sa Ayungin shoal. –sa ulat ni Dang Garcia, DZME News

About The Author