Nadiskubre ng pinagsanib na pwersa ng mga otoridad ang abandonadong ‘encampment’ o kampo ng pinaghihinalaang Communist Terrorist Group (CTG) sa Mount Ampucao, Brgy. Balugan, Sagada, Mountain Province.
Ayon sa impormasyon na inilabas ng PNP Mountain Province, habang ang tropa ng mga pulis ay nagsasagawa ng combat patrol operation sa lugar ay napansin nila ang ilang mga kagamitan at war materials.
Pinaniniwalaang pag-aari ng anila’y Weakened Guerilla Front AMPIS ang mga war materials, kabilang ang bandila ng Communist Party of the Philippines (CPP) at iba pang bandila na may markang Bagong Hukbong Bayan (BHB), Cordillera People’s Democratic Front (CPDF), isang bandila na namarkahan ng CPP NDFP, isang short M16 magazine, at isang 30 Liters na puting galon na naglalaman ng halos isang litrong Gasolina.
Nakita rin sa lugar ang iba’t ibang communication devices, educational paraphernalia at iba pang kagamitan. –sa ulat ni Jay de Castro, DZME News