dzme1530.ph

Kasong murder laban kay NegOr 3rd District Rep. Arnie Teves, naidulog na sa hukuman

Kinumpirma ni Prosecutor General Benedicto Malcontento na naisampa na sa Negros Oriental Regional Trial Court ang tatlong bilang ng kasong murder laban kay Representantive Arnolfo Teves Jr.

Sinabi ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla, galing sa lalawigan ang panel of prosecutors ng DOJ upang isampa sa korte ang kasong kriminal laban kay Teves at ilang kapwa respondent.

Ayon pa sa kalihim, maghahain ng mosyon sa korte ang DOJ upang mailipat sa korte sa Maynila ang venue ng pagdinig.

Bukod kay Teves, kabilang din sa mga akusado sína Hannah Mae Sumerano, Richard Cuadra, Jasper Tanasan, Alex Mayagma, Rolando Pinili, at Gemuel Hobro.

Magugunita na nag-ugat ang kaso laban sa kampo ni Teves dahil sa insidente nang pagpaslang noong 2019 sa mga biktimang sina Michael Dungog, dating board member ng Third District ng Negros Oriental;  Lester Bato, bodyguard ng kandidato sa pagka-alkalde sa Negros Oriental; at Pacito Libron, isang hitman na konektado kay Teves. –sa ulat ni Felix Laban, DZME News

About The Author