Wala pa ring pasya ang Pilipinas kaugnay ng hiling na kupkupin ang Afghan nationals sa bansa.
Ito ang inihayag ng Presidential Communications Office (PCO).
Kinumpirma ni PCO Sec. Cheloy Garafil na wala pang desisyon ang pamahalaan sa pagtanggap ng Afghans na tumatakas mula sa Taliban government ng Afghanistan.
Matatandang ang nasabing kahilingan sa Pilipinas ay nanggaling sa America.
Una nang sinabi ni Garafil na pinag-aaralan pa ito ng gobyerno, habang sinabi ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na wala silang itinakdang deadline kaugnay ng paglalabas ng desisyon. –sa ulat ni Harley Valbuena, DZME News