dzme1530.ph

Pagsuko ng PAGCOR sa paniningil ng P2.2-B na buwis sa nagsara at nawalang POGO company, ‘di katanggap-tanggap

Hindi katanggap-tanggap para kina Senador Grace Poe at Senador Risa Hontiveros na wala nang magagawa ang Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) para makolekta ang P2.2-B na buwis mula sa mga nagsara at umalis na POGO company.

Sinabi ni Poe na dapat magtuwang ang Bureau of Internal Revenue at PAGCOR para habulin dapat na bayarin ng POGO companies.

Patutsada pa ni Poe na hindi lang gulo ang dala ng mga POGO firm at sa halip ay nagnanakaw pa sila sa kaban ng bayan.

Iginiit pa ng senador na kung lehitimo ang kumpanya, dapat magkaroon ng paraan ng paraan upang mahabol ang utang ng mga POGO company lalo’t kada taon anya ay nahihirapan ang gobyerno sa limitadong pondo.

Para naman kay Hontiveros na nakaalarma ang pagsuko ng PAGCOR para masingil pa ang P2.2-B unpaid dues ng POGO firm.

Iginiit ng senador na responsibilidad ng PAGCOR na bantayan ang industriya ng online gambling subalit tila pinabayaan lang nilang maghasik ng lagim ang mga POGO sa ating bansa.

Dapat anyang i-blacklist na POGO na yan, kasama ng mga taong may pakana kasabay ng pagpapanagot sa mga opisyal ng PAGCOR sa kanilang kapabayaan. –sa ulat ni Dang Garcia, DZME News

About The Author