dzme1530.ph

Mga aksyon para matugunan ang underspending sa gobyerno, inilatag sa Pangulo

Inilatag ng Department of Budget and Management (DBM) kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang mga gagawing aksyon upang maibsan ang underspending o mabagal na paggastos ng pondo.

Sa sectoral meeting sa Malakanyang ngayong araw ng Martes, tinukoy ni Budget Sec. Amenah Pangandaman bilang paraan sa underspending ang maagang paglalabas ng allotments, maagang pagsasagawa ng procurement activities, at pagpapa-simple ng implementing rules and regulations ng Government Procurement Reform Law.

Kasama rin ang inilunsad na Government Purchase Card Program, digitalization ng government disbursements and collection, at pag-adopt ng Integrated Financial Management Information System sa lahat ng ahensya.

Maglalabas din ang DBM ng circular letters sa national government agencies para obligahin silang bumuo ng catch-up plans.

Samantala, bilang isa sa mga ahensyang may mababang utilization rate ay tiniyak ng Department of Labor and Employment ang maayos na documentation upang mailagay ang pondo sa mga dapat na paggastusan.

Sinabi rin ng Department of Social Welfare and Development na nire-reassess o inaayos na ang listahan ng mga benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps), sa harap ng delays sa pondo para sa nasabing programa. –sa ulat ni Harley Valbuena, DZME News

About The Author