Handa ang Department of Labor and Employment (DOLE) na tulungan ang mga manggagawang mawawalan ng trabaho dahil sa suspensyon ng reclamation projects sa Manila Bay.
Ayon kay Labor Sec. Bienvenido Laguesma, sa ngayon ay wala pa siyang natatanggap na report na may manggagawang naapektuhan ng suspensyon.
Gayunman, handa umano silang hanapan ng ibang trabaho ang mga maaapektuhan, dahil sa ngayon ay marami silang contract arrangement sa mga pribadong organisasyon, at marami rin ang bakanteng trabaho sa Philjobnet.
Iginiit naman ng labor chief na muling pinag-aaralan ang reclamation projects dahil bagamat may benepisyo ito ay mayroon ding itong epekto sa kapaligiran.
Una nang inihayag ni Environment Sec. Ma. Antonia Yulo-Loyzaga na maglulunsad sila ng Program for Work para sa community impact assessment sa Manila Bay Reclamation. –sa ulat ni Harley Valbuena, DZME News