dzme1530.ph

AFP, idinelarang ASG-Free ang munisipyo ng Talipao, Sulu

Idineklarang malaya na sa Abu Sayyaf Group (ASG) ang munispyo ng Talipao sa Sulu ayon sa Armed Forces of the Philippines (AFP).

Ayon kay Brig. Gen Eugenio Boquio, Commander ng Gagandilan Brigade, magiging makabuluhan ang araw ng August 12 bilang simbolo ito ng pagiging malaya sa mga rebeldeng Abu Sayyaf.

Aniya, magkasabay na pinagdiwang ang ika-110 anibersaryo ng Battle of Bud Talipao kung saan nakalaya sa rebeldeng Abu Sayyaf na naghasik ng maraming kaguluhan sa bayan.

Sinabi naman ng Mayor ng Talipao na si Nivocadnezar Tulawie, handa na ang kanilang bayan para sa mga turista at negosyanteng mag-aangat ng pamumuhay ng kanilang mga mamamayan.

Umaasa ang AFP at ang lokal na pamahalaan ng Talipao na magtutuloy-tuloy na ang pagbangon ng kanilang bayan at magsisimula na ang panibagong yugto ng kanilang buhay na malaya sa mga rebeldeng grupo. –sa ulat ni Jay de Castro, DZME News

About The Author