dzme1530.ph

High ranking officials, iimbestigahan kaugnay sa pamamaslang sa binatilyo na biktima ng mistaken identity sa Navotas

Iniimbestigahan na ng Philippine National Police (PNP) kung sinong pinakamataas na opisyal ang dapat managot sa pamamaslang kay Jemboy Baltazar na biktima ng mistaken identity sa Navotas City.

Sa Pulong Balitaan sa Kampo Krame, inihayag ni Interior and Local Government Secretary Benhur Abalos Jr., na hindi nasunod ang guidelines at procedures kung kaya nauwi sa pagkamatay ng inosenteng si Jemboy Salazar noong August 2.

Aniya, hindi maaring ang mababang ranggo ng pulis lamang ang madisiplina kundi ang mas nakatataas dito dahil sa doktrina ng command responsibility.

Sa kasalukuyan, relieved na ang lahat ng tauhan ng Navotas City Police Sub-station 4, kasama ang 6 na pulis na direktang sangkot sa insidente.

Magsasagawa rin ng re-training courses ang mga sinabak na pulis para tumatak sa mga ito ang police operational procedures. –sa ulat ni Jay de Castro, DZME News

About The Author