dzme1530.ph

DILG, pinaaalalahanan ang lokal na pamahalaan ng Makati at Taguig na ‘di dapat maudlot ang serbisyo dahil sa territorial dispute

Nagpaalala si Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Benhur Abalos Jr. sa lokal na pamahalaan ng Taguig at Makati na isantabi muna ang kanilang hindi pagkakasunduan at manatili ang pagbibigay ng serbisyo.

Ayon kay Abalos, ang pangunahing isyu ay ang paglilingkod sa mga tao at hindi dapat sila maapektuhan sa nangyayaring gusot sa dalawang nagbabangaang LGU.

Dagdag ni Abalos, nakausap na nya ang mga alkalde ng Makati at Taguig at pinayuhang magkaroon nalang ng pagkakasunduan.

Aniya, ang serbisyo para sa mga Embo Barangay ay malilipat na sa hurisdiksyon ng Taguig.

Matatandaang nangyari ang hindi pagkakaunawaan matapos pasimulan ni Taguig Mayor Lani Cayetano ang Brigada Eskwela sa mga paaralan ng Embo Barangay. –sa ulat ni Jay de Castro, DZME News

About The Author