Iginiit ni Senador Jinggoy Estrada na dapat pangalanan na kung sino ang nangako sa China na aalisin ang BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal.
Ito anya ay upang matapos na ang kalituhan at kaguluhan kaugnay sa sinasabing pagpapaalis sa barko sa naturang teritoryo.
Kasabay nito, tinawag ni Estrada na hearsay at illogical ang pahayag na nag kanyang amang si dating Pangulong Joseph Estrada ang nangako sa China na alisin ito.
Ipinaliwanag ni Estrada na illogical isipin kung ang dating Pangulo ang nag-deploy ng barko sa Ayungin Shoal at siya rin ang magpapatanggal nito.
Binigyang-diin pa ng senador na ginawa ng dating Pangulo ang pag-iistasyon ng BRP Sierra Madre sa naturang teritoryo dahil nagtatayo na ng mga konkretong establishment sa Ayungin Shoal at upang maitaboy ang mga dayuhan.
Hindi naman direktang sinabi ni Estrada kung nagsisinungaling si Bobby Tiglao subalit iginiit na hindi niya alam kung saan kinuha ng dating ambassador ang kanyang impormasyon. –sa ulat ni Dang Garcia, DZME News