Inaprubahan na ng Senado sa pinal na pagbasa ang panukalang palitan ang pangalan ng Agham Road at BIR road sa Quezon City bilang Sen. Miriam Defensor-Santiago avenue.
Ito ay sa botong 22 na senador na pabor, walang tutol at walang abstention.
Personal na sumaksi sa pag apruba sa third and final reading ng panukala ang asawa ni dating Senadora Miriam Santiago na si Atty. Narciso “Jun” Santiago.
Bilang sponsor ng panukala, sinabi ni ni Senate Committee on Public Works Chairman Ramon ‘Bong’ Revilla Jr. na ang mabilis na pagkakapasa nito sa mataas na kapulungan ay sumasalamin sa nagkakaisang pagtingala at paghanga ng mga mambabatas sa makabuluhang kontribusyon ni Santiago sa bansa.
Tinukoy din ni Revilla ang legasiyang iniwan ng dating mambabatas na magsisilbing gabay sa uri ng pagseserbisyo publiko na nararapat sa ating mga kababayan.
Nagpahayag naman ang lahat ng mga senador na maging co-author ng naturang panukala. –sa ulat ni Dang Garcia, DZME News