dzme1530.ph

Halos P2.2-B na utang ng isang POGO firm, malabo nang masingil ng PAGCOR

Hindi na umaasa si PAGCOR Chairman Al Tengco, na masisingil pa nila ang halos P2.2-B na utang ng isang foreign POGO company na biglaang lumayas sa bansa sa kasagsagan ng COVID-19 pandemic noong nakalipas na administrasyon.

Sa hearing ng Committee on Appropriations, inungkat ni House Minority Leader Marcelino Libanan ang napakalaking receivable ng PAGCOR mula sa POGO na nabigyan ng lisensya sa nagdaan ding administrasyon.

Ayon kay Tengco, nang mapwesto siya, agad nitong pinuntahan ang opisina ng POGO firm, ngunit kanilang nalaman na umalis na ito sa bansa at wala ring local incorporators.

Dahil dyan sinabi ni Tengco na sa exit conference nila sa mga taga COA, hiniling nito na kung maaari burahin na lang sa listahan ng receivables ang naturang utang dahil sa hindi na ito mahahabol pa.

Sa ngayon, blacklisted na umano sa kanila ang kumpanya at pinawalang saysay na rin nito ang lisensya bukod pa sa naka-timbre na ito sa Bureau of Immigration sakaling muling pumasok ito sa bansa. –sa ulat ni Ed Sarto, DZME News

About The Author