Ibinida ng Manila Police District (MPD) sa ilalim ng pamumuno ni MPD Director PBGen. Andre Perez Dizon ang kanilang one-year capital report.
Nakakuha ang MPD ng mataas na Ranking District Trust Performance Rating Unit hanggang May 2023 sa NCRPO partikular sa pagtugon sa tungkulin bilang pulis para sa Lungsod ng Maynila.
Bukod sa magandang track record ni Dizon, naipakita din nito ang MPD Unity na layuning maisulong ang peaceful city.
Kabilang din dito ang kanyang transparency at consistent services, gaya ng araw-araw na mobile patrol, motorcycle patrol, bicycle patrol, na naayon sa sustained police visibility sa ilalim ng direktiba ni DILG Secretary Benhur Abalos.
Sa kampanya naman kontra illegal na droga mula 2022-2023, nakakumpiska ang MPD ng P150,575,152,000 kabuuang halaga ng droga, mula sa 1,301 MPD operation conducted drugs, at nakapag-aresto ng 2,695 drug suspects.
Naitala naman sa kontra illegal gambling ang 5,328 na dinakip sa operation mula sa 1,888 police operation.
Nakapag-aresto kontra loose firearms ng 530 personalidad sa 512 police operation ng MPD.
At nakasuhan ang 175,935 na iba’t-ibang violator sa local ordinance ng lungsod.
2,741 ang naaresto na Most Wanted Person, kabilang na ang 2 personalidad na may reward money at 100 arestado rin mula naman sa criminal gang ng lungsod.
Nagbigay din ang MPD ng 107,000 financial assistance, para sa 39 na mga rebeldeng sumuko at nahikayat na magbalik sa ating gobyerno sa programang End Local Communist Armed Conflict.
Namayagpag din ang MPD pagdating sa infrastructure project, tulad ng pagtatayo at pagsasaayos ng mga community at outpost ng police, at pagdaragdag ng kagamitan na kinakailangan para sa lumalaki at dumaraming population ng lungsod. –sa ulat ni Felix Laban, DZME News