Magiging priority ng gobyerno ang kabataang Pilipino sa inilunsad na Media and Information Literacy Campaign.
Sa talumpati sa launching ceremony sa Hilton Hotel Pasay City, inihayag ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na dapat tutukan sa kampanya ang kabataan dahil sila ang pinakababad sa internet at digital world.
Iginiit ng Pangulo na dapat bigyan ang mga bata ng tools o angkop na kagamitan, na gagabay sa kanila sa pagtukoy kung ang isang impormasyon ay totoo, ispekulasyon, propaganda, o purong kasinungalingan.
Binigyang-diin din ni Marcos na dapat silang turuang alamin ang source o pinagmulan ng mga nakikita nilang impormasyon.
Samantala, sinabi naman ni Presidential Communications Office Sec. Cheloy Garafil na kailangan ng proteksyon ng mamamayan laban sa pekeng impormasyon.
Bukod sa paglulunsad ng media literacy campaign, sinasikhan din ng pangulo ang paglagda sa memorandum of understanding sa pagitan ng PCO, Commission on Higher Education, Department of the Interior and Local Government, at department of Social Welfare and Development, para sa pagtutulungan sa nasabing kampanya. –sa ulat ni Harley Valbuena, DZME News