Malaki ang posibilidad na hindi tumaas ang presyo ng bigas kasunod ng matagumpay na pakikipag-usap ng Department of Agriculture sa Vietnam at India.
Ayon kay Romualdez, sa direktiba ni PBBM kay Agriculture Senior Undersecretary Domingo Panganiban, kinausap nito ang mga rice exporter ng Vietnam.
Sa pulong, mas ibinaba pa umano ng mga ito ng $30 hanggang $40 ang presyo ng aangkating bigas, higit na mura kumpara sa napag-kasunduang presyo sa isinagawang pulong sa Malakanyang.
Binabalangkas na rin umano ayon kay Panganiban ang pag-aangkat ng Pilipinas ng bigas sa India sa kabila ng nabalitang ban ang rice export nila.
Una na dito sa bilateral meeting ni Romualdez kay Vuong Dinh Hue, President ng National Assembly of Vietnam sa 44th AIPS General Assembly sa Jakarta, Indonesia tiniyak nito na magsu-supply sila ng bigas sa Pilipinas sa murang presyo. –sa ulat ni Ed Sarto, DZME News